Hinihikayat ngayon ng lokal na pamahalaan ng bayan Bani, Pangasinan ang mga residente nito na agahan nang bayaran ang kanilang mga real property tax.
Ayon sa anunsyo ng LGU Bani, ang sinumang makakapagbayad nito bago sumapit angtaong 2024 ay makakapag-avail ng 20 % na diskwento.
Maakakuha naman ng 10 %discount ang makakapagbayad simula 2024 hanggang ika-31 Marso, 2024.
Dito tanging mga walang delinquencies ang tanging makakapag-avail ng diskento mula sa LGU.
Sa ngayon maaari nang magbayad ang publiko sa pamamagitan ng online transaction at maaari lamang magtungo sa aplikasyong Landback Linkbiz Portal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments