𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗠𝗢𝗧 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦

Ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang gamot laban sa leptospirosis sa mga barangay na apektado ng pagbaha.

Kabuuang labingsiyam na mga barangay ang nabigyan ng gamot na kanilang maiinom bilang laban sa hindi maiwasang paglusong sa baha sa kanilang barangay.

Kasabay ng distribution ng prophylaxis ay isinagawa rin ng Municipal Health Office ang isang health education ukol sa kaalamang nakapaloob sa sakit na leptospirosis.

Samantala, bukas ang tanggapan sa mga residente nais magrequest ng kaparehong gamot, makipag-ugnayan lamang sa mga nakatalagang Barangay Health Workers upang maproseso ang request na mabigyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments