𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Inihain ngayon sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang ilang mga resolusyon na nagsusulong sa usapin ng mental health ng mga Dagupeños.

Isa na rito ang mental health promotion sa pamamagitan ng pagkakaroon ng peer support tulad na lamang sa mga grupo ng solo parents na naapektuhan ng kanilang sitwasyon.

Kasama rin dito ang pagsusulong ng kabuuang pagpapahalaga sa mental well­-being ng mga residente sa bawat lokalidad ng lungsod.

Samantala, panawagan ng ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang pagkakaisa upang maipasa ang nararapat na mga ordinansa na mabebenepisyuhan ang mga Dagupeños kasunod ito ng pagpapahayag ng pagkasalungat ng dalawang panig.|𝙄𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments