Binigyan na ng awtoridad na magsuspinde ng klase ang mga school heads sa mga pampublikong paaralan kung sakaling maranasan sa lugar ang hindi kanais-nais na panahon, tulad ng maalinsangang init, ayon sa Kagawaran ng Edukasyon.
Ayon kay DepEd Deputy Spokesperson at Assistant Secretary for Operations Francis Bringas, ang pag-atas sa class suspension sa mga nasasakupan ay base sa kanilang maingat na pagpapasya upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral maging mga guro.
Kinakailangan ang pagsasaalang-alang ng mga anunsyo o weather advisories mula sa state weather bureau na the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) partikular sa mga naitatalang heat index sa kinabibilangang lugar.
Kasunod nito ang pagpapatupad kung alternative o blended learning delivery mode ang gagamiting daan para magpatuloy ang klase ng mga estudyante sa gitna na suspension.
Samantala, isa ang lalawigan ng Pangasinan sa nakapagtala ng mataas na heat index kung saan naglalaro ito sa 39 hanggang 41 degree Celsius. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨