𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗟𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗝𝗔𝗜𝗟, 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗨𝗚𝗛𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗗𝗘𝗔

Hinalughog ng kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sensitive Investigative Unit at K9 Unit ang buong Pangasinan Provincial Jail sa posibilidad ng presensya ng mga kontrabando.

Hinalungkat ang kagamitan ng mga Persons Deprived of Liberty at pinasok ang bawat silid upang masiyasat ang kasulok-sulokan ng mga lugar na maaring pagtaguan ng mga kontrabando.

Negatibo naman ang resulta ng greyhound operation ng PDEA sa loob ng Pangasinan Provincial Jail.

Samantala, kasabay ng operasyon ay sumailalim din sa Drug Abuse Prevention Education ang nasa 270 PDL at kawani ng Provincial Jail kung saan tinalakay ang bagong anti-drug campaign ng Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments