𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗜𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗨𝗡𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Nakatakdang magsagawa ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa mga sementeryo bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita ng undas.

Nakatakdang i-implementa ang entrance at exit points sa mga bibisita sa mga sementeryo upang maiwasan ang pagkakaroon ng aberya at stampede. Nauna nang nagsagawa ng pagpupulong ang LGU kasama ang ilang kawani ng barangay, pulisya at mga kinatawan mula sa pribadong sementeryo.

Nakatakda ring maglabas ng abiso sa mga dadalaw sa mga ipinagbabawal na dalhin sa loob ng sementeryo upang mapanatili ang ligtas na undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments