𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘

Napamahagian ng tulong pinansyal ang mga senior citizens mula sa bayan ng San Fabian sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Tinanggap ng mga benepisyaryo ang cash assistance laan para sa mga kinakailangang gastusin tulad na lamang ng mga gamot.

Pinangunahan ang nasabing distribusyon ng tanggapan ng ikaapat na distrito ng lalawigan sa pakikipag-ugnayan nito sa DSWD.

Samantala, patuloy naman na umaarangkada sa bawat munisipalidad at lungsod ang iba pang programa ng ahensya na may layong matulungan lalo na ang mga indigent citizens. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments