𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗖𝗥𝗘𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗦𝗔𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡

Sumailalim sa vision screening ang mga senior citizens mula sa Ilocos Sur bilang pakikibahagi ng Department of Health Ilocos Region sa pagdiriwang ng Sight Saving Month ngayong buwan ng Agosto.

Saklaw ng aktibidad ang isang educational lecture ukol sa proper eye care o wastong pangangalaga ng mga mata at mga hakbang upang maiwasan ang pagkabulag. Namahahi rin ang kagawaran ng reading glasses sa tatlong daang lolo at lola.

Samantala, hinikayat ang mga senior citizens sa rehiyon ang maagang pagpapasuri upang hindi magkaroon ng sakit tulad ng catarata o glaucoma. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments