𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗣𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘𝗥𝗢 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗜𝗣𝗜𝗡𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗧𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗧𝗔

Ilang araw na lamang ay sasapit na ang Undas ngunit ang mga sepulturero at nagpipintura ng nitso sa Dagupan City, matumal pa rin ang kita.

Inabutan ng IFM News Dagupan ang isang sepulturero sa Roman Catholic Cemetery sa Dagupan City na nililinis na lamang ang puntod ng kanyang kapatid upang hindi masayang ang kanyang araw na sana ay dagdag kita niya upang may pambili ng bigas.

Aniya, kung ikukumpara noong nakaraang taon, mahina raw ang kanilang kita.

Isang linggo na silang nasa sementeryo ngunit hanggang sa ngayon kakaunti pa lamang ang nagpapalinis at pintura ng mga nitso.

Nasa 300 pesos sana ang kikitain ng mga ito sa kada nitsong malilinis at mapipinturahan.

Samantala, babawi na lamang ang mga ito sa araw ng undas para sa mga dadalaw na walang kakayahang magtirik ng kandila sa kanilang mga yumao dahil sa mataas na pwesto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments