𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗔𝗦𝗛 𝗪𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗗𝗔𝗬; 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗦𝗞𝗘𝗗𝗬𝗨𝗟 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗔

Naghahanda na ang mga simbahang katoliko para sa nalalapit na Ash Wednesday o umpisa ng pag-aayuno, pagsasakripisyo’t penitensya ng mga debotong katoliko.

Sa darating na ika-14 ng Pebrero na ang pag-aabo o paglalagay ng abo sa noo ng mga deboto na umpisa rin ng Lenten Season dahilan para sa kaliwa’t kanang paghahanda ng mga simbahan.

Inilabas na rin ng mga malalaking simbahan sa Pangasinan ang iba’t ibang iskedyul ng misa gaya na lamang ng St. John the Evangelist Cathedral dito sa Dagupan City na mag-uumpisa ang kada misa sa oras na 6AM, 7AM, 8AM, 9AM at 12:15 PM sa Sanctuario at alas ‘5 ng hapon.

Habang sa Minor Basilica of St. Dominic sa Lungsod ng San Carlos ay mag-uumpisa ang paglalagay ng abo sa oras na alas ‘7 ng umaga, alas ’12 ng tanghali at alas ‘5 ng hapon.

Inaasahan na muling dadagsain ang mga simbahan dahil tradisyon na kung ituring ng mga deboto ang paglalagay ng abo sa noo.

Bukod sa okasyong ito ay isineselebra din ang araw ng mga puso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments