Dinagsa ng mga debotong Katoliko ang mga iba’t ibang mga simbahan sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa isinagawang pag-aabo sa noo o ang Ash Wednesday, kahapon ika-14 ng Pebrero.
Dito sa Dagupan City, sa St. John the Evangelist Cathedral, punong-puno ang loob ng simbahan ng mga deobot dahil nais ng mga ito na malagyan ng abo ang kanilang mga noo dahil tanda umano ito na tinanggap nila ang Panginoon at handa rin sila na magsisi sa lahat ng mga kasalanan.
Bahagi ng misa ni Rev. Msgr. Manuel S. Bravo, Jr. na sa una ay sariwa pa ang mga halamang dinala noong araw ng Palaspas ngunit natuyo at ngayon naging abo, na sumisimbolo ng buhay ng isang tao, sa una masagana at sariwa hanggang tumatagal kumukupas rin.
Ang Miyerkules ng Abo ay minarkahan bilang simula ng panahon ng Kuwaresma, na nagpapaalala sa debotong katoliko ng moralidad ng tao at ang pangangailangan para sa pakikipagkasundo sa Diyos.
Ang abo ay isang nakikitang tanda ng pagsisisi at isang paalala ng ating pagbabalik sa alabok sa kamatayan.
Tinawag tayo sa pagpapakumbaba at pananampalataya sa Diyos para sa buhay na walang hanggan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨