𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗜𝗦𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗡𝗨𝗔𝗡 𝗕𝗜𝗡𝗟𝗢𝗖 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡

Binigyan pansin at nagsagawa ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City para pag usapan ang mga makatutulong sa mga sumisigay sa bahagi ng Bonuan binloc Dagupan City.

Dumalo ang nasa humigit kumulang animnapung mga sumisigay sa Bonuan Binloc at sumama sa pagtalakay sa ilang usapin gaya ng kung paano ang mga matutulungan ng gobyerno sa kanilang mga pinagkakakitaan o hanapbuhay.

Bahagi pa rin ang pagbibigay pansin na ito ng LGU sa kanilang patuloy na pagsulong at pagpapalakas pa ng turismo sa Tondaligan Ferdinand Blue beach.

Bahagi ng naturang pagpupulong at pag uusap ang alkalde ng lungsod kasama rin ang ilang kawani mua sa City Engineering office at maging ang kapitan rin ng naturang barangay.

Samantala, kaakibat rin dito ang kasalukuyang konstruksyon ng One Bonuan Pavilion maging ng iba pang leisure at sports activities na nakahanay na sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments