Nasabat ang banye-banyerang tangok na bangus sa Magsaysay Fish Market matapos magsagawa ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan sa mga ipinapasok at ibinebentang bangus sa Dagupan City.
Ayon sa City Agriculture Office, nakatanggap ng impormasyon ang kanilang tanggapan na mayroong ipapasok na tangok nab angus sa lungsod. Dahil dito, lunes pa lamang ay nagsagawa na sila ng surveillance.
Pag-aamin ng mga tindera na nahulihan ng tangok na bangus, galing sa bayan ng Sual ang mga nakumpiska at inilako lamang sa kanila.
Magsagawa ng koordinasyon ang lokal na pamahalaan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang magkaroon imbestigasyon at mas mahigpit na pagbabantay sa mga pumapasok na bangus sa Dagupan City.
Nagpaalala ang lokal na pamahalaan na maging mapanuri sa binibiling bangus dahil kapag nakain ang tangok maaring katihin o malason ang isang taong makakakain nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨