𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜𝗡𝗢 𝗣𝗛𝗘𝗡𝗢𝗠𝗘𝗡𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗬𝗨𝗚, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟱𝟬-𝗘𝗞𝗧𝗔𝗥𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗡

Muling nadagdagan ang mga lugar at taniman na lubhang naapektuhan ng nararanasang El Niño Phenomenon sa bayan ng Tayug, Pangasinan.

Sa ibinahaging datos ng Municipal Agriculture Office sa IFM News Dagupan umakyat na sa 55.53 na ektaryang taniman ang lubhang naapektuhan ng epekto ng El Nino.

Ayon kay Elvie Moreno ang Municipal Agriculturist ng Tayug ay 100% nang damaged ang mga lugar o Barangay ng Evangelista, Libertad, Panganiban at Poblacion 6 habang ang Barangay Magallanes ay may ilang sakahan na rin ang apektado rito kung saan nasa 46 na magsasaka ang naapektuhan na karamihan sa kanila ay hindi naka-ensure o hindi rehistrado ang kanilang mga pananim sa PCIC o Philippine Crop Insurance Corporation.

Dagdag pa ng opisyal na karamihan sa mga lubhang naapektuhan ay ang mga inbred na pananim at may hybrid na pananim na rin ang naitala.

Nangako naman ang opisyal na gagawa sila ng paraan upang mabigyan ng tulong at solusyon ang mga problema ngayon ng mga magsasaka sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments