𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗔𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗞𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗦𝗧𝗘

Pineste ng mga uod ang ilang tinanim na ampalaya ng mga magsasaka sa isang vegetable farm sa Brgy. Macabito sa bayan ng Calasiao.

Ayon sa mga magsasaka, isang uri ng uod diumano na kung tawagin ay armyworm ang umatake sa mga ampalaya.

Malaking pangamba naman ngayon ng mga magsasaka lalo na’t hihina na naman umano ang kanilang benta at kita dahil sa nasabing pangyayari. Sa ngayon, hirap din sa pagbunga at pagbulaklak ang mga ampalaya dala ng malakas na ulan sa mga nagdaang araw.

Samantala, patuloy na nakatutok ang Pangasinan Provincial Agriculture Office sa iba pang pananim sa lalawigan, upang hindi mapinsala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments