Sang-ayon ang ilang tindera ng isda sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City sa inaprubahang importasyon ng walong libong metrikong tonelada ng isda gaya ng galunggong at mackerel.
Ayon sa mga ito, wala umano silang nakikitang problema dahil matutugunan nito ang kakulangan ng suplay ngunit Sana ay itong sapat lamang.
Anila, naramdaman din umano nila ang tumal ng kanilang bentahan sa nakalipas na taon. Kung dati ay nasa 80 boxes na nailalabas nilang isda ay bumagsak umano sa 5 hanggang 10 boxes na lamang.
Umaasa ang mga ito na matutulungan ng importasyon na mapataas ang kanilang kita o bumalik ang sigla ng kanilang negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments