𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗗𝗜𝗦𝗬𝗨𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

Mabenta pa rin ang tradisyunal na Parol na gawa sa kawayan at plastic sa mga pamilihan sa Pangasinan.

Bagamat marami na ang nagsulputang disenyo, Isa pa rin ito sa mga talagang nakasanayang bilihin dahil bukod sa mura, ito na raw ang kinaginasnan na simbolo ng Pasko.

Sa Lingayen Public Market makakabili nito 25-50 pesos.

Sa Calasiao, mabenta ang recycled materials na parol. Gawa ito sa mga bote ng softdrinks na agaw atensyon ang kulay.

Nasa 60 pesos ang kada piraso nito.

Ang naturang produkto ay inaangkat sa lungsod ng Dagupan na gawa raw ng mga maliliit na negosyante.

Ilang mga namimili na rin ang nagsimulang mamili ng pangregalo at sinusulit ang mababang presyo sa ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments