𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗣𝗘𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗚𝗢𝗕𝗬𝗘𝗥𝗡𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗-𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗢𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗛𝗜𝗞𝗘

Umaapela ang ilang tricycle drivers sa Pangasinan ng tulong mula sa gobyerno dahilan ang nagpapatuloy pang paggalaw sa presyo ng produktong langis.

Nagpatupad muli ang mga oil companies ng taas presyo kung saan P1.15 kada litro, diesel ng P1.10 kada litro, at kerosene ng P0.80 kada litro. Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang tricycle drivers sa lalawigan, malaking kabawasan ang ipinanglalangis sa isang araw.

Dagdag pa ang problema sa tuwing walang pasok dahil mababa ang kanilang naiuuwing kita.

Nauna nang nakatanggap ang ilang mga tricycle drivers ng tulong pinansyal bagamat hiling ng mga ito na sana ay madagdagan upang masabayan ang patuloy na paggalaw sa presyo ng langis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments