𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗘𝗟 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗜𝗗𝗬 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗬𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗦

Nananawagan ngayon ang ilang mga tricycle drivers sa lalawigan ng Pangasinan ng tulong dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa mga tricycle drivers sa bayan ng Calasiao, malaking kabawasan sa mga ito ang dagdag na panggasolina sa kanilang arawang kita.

Daing din ng mga tricycle drivers sa Dagupan City ang pabago bagong presyuhan ng krudo.

Fuel Subsidy mula sa gobyerno ang kanilang panawagan upang maibsan sa kanilang gastusin dahil ito na ang ikaapat na linggo ng pagtaas sa presyo produktong petrolyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments