𝗠𝗚𝗔 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗙𝗜𝗟𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗜𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗔𝗣𝗣𝗥𝗔𝗜𝗦𝗔𝗟

Patuloy ngayon paglilibot ng Assessor’s Office ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa mga water refilling stations ng kanilang bayan para sumailalim sa reappraisal at reassessment.

Napansin ng Assessor’s office ang patuloy umanong pagdami ng mga water refilling stations sa bayan kung kaya’t isa isa nila itong pinupuntahan upang i-assess.

Nito lamang ay pinuntahan ng naturang department ang mga water refilling station sa Brgy. Tampog, San Vicente, Warding, Managos, at Wawa.

Dapat umanong malaman ng mga ito ang kanilang obligasyon na magbayad ng buwis.

Samantala, pinaalalahanan rin ng Assessor’s office ang lahat ng water refilling station operators at owners na magreport kaagad sa kanilang tanggapan sa oras na mawalan o tumigil ang operasyon ng kanilang station nang sa gayon ay agad ding mapatigil ang kanilang nakatalang bayarin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments