𝗠𝗚𝗔 𝗬𝗢𝗨𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗟𝗜𝗞𝗢𝗥 𝗬𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗪𝗘𝗥𝗔𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗨𝗠𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗔𝗧𝗛𝗧𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬

Nanumpa sa isinagawang oathtaking ceremony sabay sa selebrasyon ng Agew na Dagupan ang mga young city officials ng Manlikor Ya Kalangweran sa Dagupan City.

Ang Manlikor Ya Kalangweran ay aktibidad ng lokal na gobyerno ng Dagupan na may layuning ibahagi at ipaintindi sa mga kabataang mag-aaral ang tungkulin, gampanin, at trabaho ng mga city officials sa lungsod.

Ayon kay MYK 2024 Young City Mayor Karah Vianca Vinluan, magandang advantage ang naturang aktibidad para sa kanila dahil magsisilbi umano silang role model sa mga kabataang Dagupeño.

Dagdag pa nito na nais nilang bigyang diin na ang isang kabataan ay hindi lamang isang kabataan kung hindi may pananaw rin at inspirado bilang mga lider ng kanilang henerasyon.

Sa ngayon, nakaantabay umano ang mga young city officials sa kanilang mga aktibidad na isasagawa sa panahon ng kanilang pagkakataon na makapaglingkod sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments