Nag-umpisa na kahapon ang mga Young City Officials mula sa 2024 batch ng Manlingkor ya Kalangweran sa kanilang mga tungkulin sa lungsod ng Dagupan.
Sinimulan ng mga ito ang mga programa at proyekto sa mga barangay tulad ng pakikibahagi sa Libreng Paligo program na isinagawa sa Poblacion Oeste kung saan sila din ay ipinakilala.
Sunod naman na kanilang isinagawa ay ang pagsama rin sa City Engineering Office para sa pag-iinspeksyon sa mga infrastructure projects na isinasagawa sa lungsod.
Iba’t iba pang aktibidad ang isinagawa ng mga young city officials para maiparating sa mga ito ang tungkuling ng isang public official sa lungsod ng Dagupan.
Samantala, ang Manlingkor ya Kalangweran Leadership Training ay programang inilunsad kasama DepEd Dagupan nang sa gayon ay mahubog ang mga kabataan na nais at maaaring susunod na lider ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨