𝗠𝗜𝗗𝗧𝗘𝗥𝗠 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗔𝗟𝗬𝗦𝗧

Siyam na buwan bago ang Midterm Election 2025, ramdam na umano ang mga pulitikong may hangarin sa pagtakbo sa inaasam na pwesto ayon sa isang political analyst.

Ayon kay Political Science Professor, Dr. ROBERT GO, nagsusulputan na at nagkakaroon na ng balasahan ang iba’t ibang partido sa bansa.

Bagamat sa Oktubre pa ang filing of candidacy, kapansin-pansin na ang isinasagawang political moves ng mga pulitikong nag-aasam ng posisyon sa 2025.

Samantala, inaasahan ni Go na hindi na lalala pa ang bangayan ng administrasyon at dating kaalyado nito dahil ito ay magpapakita ng maganda o hindi mabuting implikasyon sa susunod na eleksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments