Kahit tapos na ang holiday season dumadagsa pa rin ang mga bisita at turista sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa bayan ng Manaoag.
Sa panayam ng IFM Dagupan sa ilang bisita, tagalang dinayo pa nila ang simbahang ito dahil panahon naman para ipagpasalamat anila ang dumaang taong 2023 at heto at may bagong taong dumating ay humihihingi sila ng gabay upang mas maging maganda ang takbo ng 2024.
Sa pagtatanong-tanong ng IFM Dagupan sa ilang miyembro ng pamunuan ng simbahan, madaling araw palang ay marami na ang nag-aabang sa simbahan para lang makarasında bisinidad nito.
Libu-libo anila ang dumarayo rito lalo’t isa ito sa bucket lists ng karamihan lalong lalo na ang mga Katolikong mula sa probinsiya hanggang sa iba’t ibang panig ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨