𝗠𝗜𝗦𝗜𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗠𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Timbog ang isang 37 anyos na lalaki na nahulihan ng hinihinalang shabu dahil sa sumbong ng kaniyang misis sa Brgy. Bued Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, nakatanggap ng tawag ang Calasiao Police Station mula sa misis ng suspek na humihingi ng assistance matapos nitong matagpuan sa gamit ng kaniyang asawa ang hinihinalang shabu.

Agad na rumesponde ang pulisya sa lugar at naaresto ang suspek.

Nakuha ang illegal na droga na nagkakahalaga ng higit 800 piso.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments