𝗠𝗜𝗦𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗨𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥

Natagpuang wala ng buhay at duguan ng kaniyang misis ang isang magsasaka sa Sitio Mapita Brgy. Laoang, bayan ng Aguilar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang 36 anyos na biktima ay nakita ng kaniyang asawa na nakahandusay sa maliit na lamesa, duguan at mayroong isang shotgun sa tabi nito.

Bago pa ang insidente, nagkaroon pa umano ng pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa kung saan nakainom ang asawang lalaki.

Nakatakdang sumangguni ang Aguilar Police Station sa SOCO upang maimbestigahan ang naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments