𝗠𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Nagpapatuloy ang misting operation kontra dengue ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, sunod-sunod umano ang kanilang mga isinagawang misting operation sa mga barangay sa lungsod para tuluyang masira ang mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na maaaring nagdadala ng sakit na dengue.

Iginiit ng alkalde na dapat umanong magsimula mismo sa mga kabahayan kung saan dapat mapanatili ang kalinisan at tignan ang mga bagay o lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok tulad ng paglilinis sa mga gulong na hindi na nagagamit at naiipunan ng tubig ulan.

Mas mainam rin umano kung huwag mag-stock ng tubig kung hindi rin naman ito gagamitin o hindi nakatakip ng maayos dahil maaari itong pangitlogan ng mga lamok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments