𝗠𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗟𝗔𝗥𝗩𝗜𝗖𝗜𝗗𝗔𝗟 𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Kaliwa’t-kanan ngayon ang pagsasagawa ng mga anti dengue misting operation at larvicidal implementation sa bayan ng Mangaldan at Dagupan City.

Sa Mangaldan, sinuyod ang dalawampu’t-anim na mga pampublikong paaralan ng Municipal Health Office. Sa Dagupan City, kasado rin ang misting operation sa mga paaralan maging sa mga barangay ng lungsod.

Layon nitong mapuksa ang posibleng pamugaran ng mga lamok at mapigilan ang posibleng pagtaas pa ng kaso nito. Nanawagan ngayon ang health authorities ng mas pinaigting na pag implementa ng 4s bilang panlaban sa sakit.

Samantala, pumalo na sa higit isang libo at anim na raan na kaso ng dengue ang naitala na sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments