Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan na isang public hearing ang isinasagawa sa bahagi ng Barangay San Felipe East San Nicolas dahil sa kahilingan ng mga Indigenous People (IPs) na Kankanaey na magkaroon ng sariling polling center para lamang sa kanila.
Sa nagging panayam ng IFM Dagupan kay Provincial Election Supervisor Attorney Marino Salas, pinag-aaralan na ng kanilang tanggapan ang naturang kahilingan sapagkat malaki na ang populasyon ng Kankaney sa barangay San Felipe East.
Nais din aniya na mapagbigyan ang mga kapatid na Ips upang hindi na byabyahe pa ang mga ito ng higit dalawang oras upang makaboto sa darating na halalan sa susunod na taon.
Magpapatuloy ang pagsasagawa ng special voter registration sa mga lugar sa probinsiya na kabilang sa GIDA upang maiparamdam sa mga IPs na parte sila ng gobyerno at demokrasya.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨