
CAUAYAN CITY β Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Sa naturang kasunduan, magkakaroon ng karagdagang manpower kung saan ide-deploy sa ibaβt-ibang district hospitals sa lalawigan ng Cagayan ang mga medical officers.
Paliwanag ni Dr. Rhea Bernadette Danguilan- Garcia, Officer-in-Charge Chief of Hospital ng Gattaran, limang doctor ang ipagkakaloob ng CVMC na madedeploy sa mga district hospitals sa Gattaran, Sta Ana, Baggao, Lasam, at Ballesteros.
Dagdag pa nito na magiging βfull timeβ doctors ang mga ito bilang general practitioners.
Sa ganitong paraan, malilimitahan umano ang mga pasyenteng pumupunta sa CVMC dahil matutugunan na ito ng mga district hospitals.
Matatandaan na isa ang mga district hospitals sa mga tinututukan ni Governor Manuel Mamba simula ng siya ay maupo bilang gobernador.