𝗠𝗢𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗢𝗛-𝗖𝗛𝗗𝟭, 𝗜𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡

Ikakasa ng Provincial Government ng Pangasinan at Department of Health-Center for Health Development 1 ang isang programang magpapalawig sa serbisyong pangkalusugan ng probinsiya.

Nakatakdang isagawa ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng dalawa Alinsunod sa implementasyon ng 2024 Healthy Settings Program for Healthy Communities.

Nakasaad sa resolusyon ang pagpondo ng DOH CHD1 ng halagang P1, 499, 990. 00 na laan sa pagsasakatuparan ng iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan tulad na lamang ng Key Assistance for Developing Adolescent o (KADA) sa pampublikong mga ospital.|𝗶𝗳𝗺𝗻𝗲𝘄𝘀

Facebook Comments