𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗔𝗣𝗣 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗔𝗧 𝗔𝗖𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗥𝗘𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

Inilunsad ng Police Regional Office 1 ang iPolice eBuzz-ER mobile app na daan raw sa mas mabilis at accessible na pagre-report ng krimen sa Ilocos Region, kahapon.

Ang iPolice eBuzz-ER mobile app o Ilocos Region Police Online, Law Enforcement, Investigation, Community Affairs and Emergencies Electronic Buzz Emergency Response, ay ang real-time emergency crime reporting mechanism na didirekta sa mismong linya ng telepono ng mga kapulisan.

Sa pamamagitan ng mobile app, mahahanap agad nito ang contact number ng pinakamalapit na himpilan at agad marespondehan ng kapulisan.

Anumang oras ay maari umanong magamit ang mobile app para sa emergency assistance maging sa mga opisina ng gobyerno sa rehiyon.

Hinihikayat naman ni PRO1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista ang publiko na pag-aralan ang naturang app at gamitin para sa mabilis na emergency response. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments