CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng monitoring ang City Agriculture Office sa buong Lungsod ng Cauayan kahapon, ika-3 ng Setyembre, upang masuri ang kabuuang pinsala ng mga palayan at maisan dahil sa epekto ni Bagyong Enteng.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, maraming palay at mais ang natumba dala ng hangin at ang iba ay nalubog sa baha.
Ayon pa sa ulat ni Engr. Alonzo, nasa sampung porsiyento (10%) ang damage na natamo ng mga maisan habang labinlimang porsiyento (15%) naman sa palayan, at kung susumahin lahat ay aabot sa mahigit P15-M.
Bukod sa mga palay at mais, nagtamo rin ng pinsala ang mga sagingan, ngunit hindi naman gaanong naapektuhan ng bagyo ang mga panamin na kamoteng kahoy (cassava).
Facebook Comments