𝗠𝗢𝗡𝗞𝗘𝗬𝗣𝗢𝗫, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗟𝗢𝗕𝗔𝗟 𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗡𝗚 𝗪.𝗛.𝗢

CAUAYAN CITY – Idineklara na ng World Health Organization (W.H.O) bilang “global emergency” ang pagkalat ng mpox o monkeypox sa Congo at iba pang bahagi ng Africa.

Sa ulat ng Africa Centers for Disease Control and Prevention, umabot na sa 500 ang bilang ng namatay dahil sa nasabing sakit, kung saan karamihan sa mga ito ay mga bata.

Ayon pa sa Africa CDC, ang mpox ay naiulat na rin sa 13 na bansa kung saan 96 % ng death cases ay mula sa Congo.


Nanawagan na rin ng international help ang Africa CDC para matigil ang pagkalat ng nasabing virus.

Facebook Comments