𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛𝗟𝗬 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗜𝗗𝗬, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗨𝗜𝗡𝗜

CAUAYAN CITY – Sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Isabela (PGI) sa LGU Tumauini ay ginanap ang Monthly Rice Subsidy Distribution sa nasabing bayan.

Nakibahagi sa aktibidad ang mga Barangay Tanods, PWDs, Fisherfolks, TODA Members, Barangay Nutrition Scholars at Health Workers kung saan naibahagi sa kanila ang tig-10 kilo ng bigas.

Ang pamamahagi ay programa nina Gov. Rodolfo “Rodito” Albano III at Vice Gov. Faustino Dy III bilang tulong at masiguro na may mga sapat na bigas na kakainin ang mga mamamayan.


Layunin din ng programa na mabawasan ang isyu ng kagutuman sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments