𝗠𝗢𝗣-𝗨𝗣 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Sinimulan na ang pagsasagawa ng MOP-UP sa pagbabakuna sa mga paaralan sa Lingayen, Pangasinan.

Pinangunahan ng Municipal Health Office ng bayan ang pagbabakuna sa Samson-Bengson Elementary School, Padilla Central School, at Pangasinan National High School, at nagsimula na rin ang unang round ng immunization sa Pangasinan School of Arts and Trades.

Dahil dito, nanawagan ang lokal na pamahalaan na makiisa at magtulungan upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga bata sa bayan.

Binigyang diin ng MHO na hindi lang proteksyon laban sa mga malulubhang sakit, kundi isa ring hakbang patungo sa mas malusog at ligtas na komunidad.

Magpapatuloy ang pagbabakuna sa Grade 1 – Kontra measles-rubella and Tetanus- Diphtheria, Grade 4 (Female) – HPV Vaccine at Grade 7- Kontra measles-rubella and Tetanus- Diphtheria.

Ayon sa Department of Health, Ang mga nabanggit na bakuna ay libre at ligtas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments