𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗖𝗞𝗥𝗜𝗗𝗘 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗪𝗜𝗗, 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗗𝗞𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗩

Nabangga at nakaladkad pa ng abot sampung metro ang dalawang 19 anyos na estudyante kinilala bilang si Johnny Castro at backride nito na si Sherran Sermonia.

Naganap ang insidente matapos umanong biglang tumawid sa intersection sa Brgy. Poblacion East , San Nicolas. Ito umano ang dahilan kaya aksidenteng nabangga at nakaladkad ang mga ito ng SUV na minamaneho ni PLTCOL Lino Akiangan.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang dalawa at tumilapon pa ang backride nito. Naitakbo agad ang mga ito sa pagamutan kung saan napag-alaman na positibo ang mga biktima sa alcohol breath test. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments