𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗠𝗕𝗨𝗧𝗦𝗢

Cauayan City – Muling pinaalalahanan ang mga motorista sa lungsod ng Cauayan hinggil sa mahigpit na pagbabawal ng paggamit ng maingay na tambutso.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, kamakailan lamang ay pinayagan ang paggamit ng maiingay na tambutso ng motor at mga sasakyan dahil sa Drag Race, Car show, at Drift Demo na ginanap sa lungsod ng Cauayan.

Aniya, pinayagan lamang ang paggamit ng mga ito sa kadahilanang parte ang naturang aktibidad sa selebrasyon ng Gawagaway-yan Festival 2024.


Ngayong tapos na ang kapistahan, pinaalalahanan ni Chief Malillin ang mga kalahok maging ang iba pang mga motorista sa lungsod na tanggalin na at huwag ng gamitin pa ang maiingay na muffler.

Aniya, nakasaad sa batas at mga ordinansa ang pagbabawal nito kaya’t sino man ang mahuling lumabag ay tiyak na kanilang papatawan ng karampatang parusa.

Facebook Comments