𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗖𝗞𝗥𝗜𝗗𝗘 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗗𝗟𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nabangga at nakaladkad ng isang trak ang motor na minamaneho ng 18 anyos na binatilyo kinilala bilang si Jericho Vinluan at backride na si Carlito Santillan pawang residente ng Brgy. Magtaking, San Carlos City.

Sa imbestigasyon, habang nagpapatakbo ang trak ay nabangga nito ang motor ng mga biktima na patawid umano nang mangyari ang insidente. Natumba ang mga biktima at nakaladkad pa umano ng trak.

Naitakbo pa sa pagamutan ang mga biktima na nagtamo ng malubhang injuries sa ibat-ibang bahagi ng katawan ngunit idineklarang dead on arrival ang back ride nito.

Hindi naman nagtamo ng sugat ang driver ng trak at kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments