𝗠𝗢𝗨𝗡𝗧𝗔𝗜𝗡 𝗕𝗜𝗞𝗘 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝟱𝟬𝗞,𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞

Laking panlulumo ng 20 anyos na binatilyo kinilala bilang si Kenneth Magliba matapos nakawin ang mountain bike nito na iniwan naka-park sa harap ng bahay ng kasintahan nito sa Brgy. Cayanga, San Fabian.

Ang naturang bike ay nagkakahalaga umano ng P50, 000.

Agad naman itong naisangguni sa awtoridad at sa tulong ng CCTV footage ay natukoy ang suspek sa pagnanakaw na si Rodolfo Erto Jr. residente rin ng San Fabian.

Naaresto ang suspek ngunit hindi na nakuha ang mountain bike dahil naibenta na raw ito sa isang hindi nakilalang indibidwal mula Dagupan City.

Haharap ang suspek sa isasampang kaso ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments