𝗠𝗢𝗨𝗡𝗧 𝗜𝗕𝗨, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗘𝗦𝗧 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟

CAUAYAN CITY – Itinaas ng mga awtoridad sa highest alert level ang Mount Ibu, isang bulkan sa probinsya ng North Maluku, Indonesia.

Ito ay matapos makapagtala ang mga awtoridad ng sunod sunod na pagsabog ng bulkan at paglabas ng mga abo.

Sa ulat ni Chief Muhammad Wafid ng Indonesia’s Geology Agency, mas tumaas pa ang volcanic activity ng bulkan kung kaya’y itinaas nila ang alert level sa level 4.


Pinayuhan naman ng mga opisyal ang mga residente at turista na mag-ingat at huwag munang magsagawa ng kahit na anong aktididad malapit sa bulkan at maging alerto sa posibleng pagsabog ulit nito.

Bukod dito, naghanda na rin ang mga awtoridad ng mga evacuation tents para sa mga residenteng nakatira malapit sa bulkan.

Facebook Comments