π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—£π—”π—šπ—•π—¨π—•π—¨π—žπ—”π—¦ π—‘π—š π—©π—’π—§π—˜π—₯’𝗦 π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘, π— π—”π—šπ—¦π—œπ—¦π—œπ— π—¨π—Ÿπ—” 𝗑𝗔 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ

Ngayong araw na ang muling pagbubukas ng Commission on Elections ng voter’s registration para sa mga Pilipinong hindi pa nakapag-parehistro sa talaan ng komisyon.

Ngayong ika-12 ng Pebrero ang itinalagang araw ng muling simula ng registration sa iba;t ibang mga COMELEC Offices.

Dito maaaring makapag-patala ang sinuman basta hindi pa nakapag-parehistro kung saan maaaring gawin ang New Voter’s Registration – 18 years old pataas, change Status (Single to Married), pagtransfer ng kanilang mga pangalan sa ganitong bayan, correction of Entries sa Registration Records at Reactivation ng Registration Records.

Samantala, bubuksan din sa mga Lungsod ng Dagupan, San Carlos, Urdaneta at Alaminos ang Register Anywhere Program ng ahensya.

Matatandaang mas pinadali na lamang ang registration ng sinuman kung saan kahit isang valid ID lamang ang pwede ipresenta ay maaari nang mairehistro.

Matatapos naman ang registration hanggang ika-30 ng buwan ng Setyembre ngayong taon bilang paghahanda sa National; at Local Elections 2025. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments