Pinondohan ng Philippine Rural Development ang produksyon ng monggo sa Angio Taculit Multi-Purpose Cooperative mula sa bayan ng San Fabian.
Tinanggap ng kooperatiba ang PHP 8.7 million trading capital na at PHP 4.9 million na storage facility para sa naturang proyekto.
Inaasahan na makatutulong ito sa hanapbuhay ng mga residente upang mapataas pa ang kita maging mapalago ang kabuuang produksyon nito.
Target din nitong magbukas ng oportunidad sa mga residente ng San Fabian na nais makahanap ng trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments