𝗠𝗨𝗡𝗜𝗦𝗜𝗣𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗖𝗡𝗢𝗧𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗠𝗕 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧

Binulabog ng bomb threat ang munisipyo ng Bacnotan matapos makatanggap ng isang text na pasasabugin niya umano ang munisipyo noong Biyernes ng umaga.

Sa report ng pulisya, dakong alas otso ng umaga nang makatanggap ng text mula sa hindi kilalang indibidwal ang isang empleyado ng Mayor’s Office at sinabing umuwi na at bobombahin nito ang munisipyo.

Dahil dito, mabilis na nirespondehan ng pulisya ang munisipyo at pinalabas ang lahat ng empleyado. Nagresponde din ang elemento ng Explosive and Ordnance Team ng PNP kasama ang K9 dogs na nagsagawa ng paghahalughog sa building.

Idineklarang negatibo sa bomba ang munisipyo.

Nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng ng awtoridad sa kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments