𝗠𝗨𝗦𝗟𝗜𝗠 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗜𝗣𝗢𝗡-𝗧𝗜𝗣𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗘𝗜𝗗’𝗟 𝗔𝗗𝗛𝗔

Ginanap sa Public Auditorium sa bayan ng Mangaldan ang pagtitipon-tipon ng Muslim Communities na mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan upang ipagdaos ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ang Eid’l Adha ay isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang sa kalendaryong Muslim. Inaalala nito ang pagdiriwang na pagpayag ni Propeta Abraham na isakripisyo ang kanyang anak.

Kaugnay naman ng naturang pagdiriwang, nauna nang idineklara ng Malacañang ang June 17 bilang regular holiday sa buong bansa sa bisa ng Presidential Proclamation No. 567.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat ang miyembro ng Muslim sa suportang ibinigay ng alkalde ng Mangaldan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments