𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗘𝗧𝗜𝗧𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗛𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗗

Nakatakdang makipag tagisan ng galing ang mga Senior High School Student ng Dagupan City National High School sa International Science and Mathematics Olympiad sa bansang Thailand.

Matapos masungkit ng pitong mag-aaral ang silver at bronze medal sa katatapos na International Science Olympiad Competition for Southeast Asia, aabante ang mga ito sa International round sa darating na Disyembre sa Chiang Mai sa Thailand.

Patunay lamang ito ng pagpapakita ng kagalingan ng mga batang Pinoy sa larangan ng Science,Technology, Engineering and Mathematics o STEM.

Buo naman ang suporta ng pamunuan ng DCHNS sa mga mag-aaral na patuloy na nagbibigay karangalan sa paaralan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments