๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—” ๐—ข ๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ง ๐—ฃ๐—ข๐—œ๐—ก๐—ง๐—ฆ, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—  ๐—ฆ๐—” ๐—ฅ๐—˜-๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ฆ๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—ง๐—ข

Sumailalim sa re-orientation course ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista sa Dagupan City na na may Lima o higit pang demerit points upang makapag renew ng lisensya.

Kinakailangang maipasa ang written exam ukol dito bago mabigyan ng Certificate of Completion.

Inilunsad ng ahensya ang naturang programa upang matulungan ang mga motoristang hindi makapag renew.

Nakasaad sa RA 10930 o ang Extension o Driver’s License Validity na nagtatakda ng mga kaukulang programa o kurso na kinakailangang matapos ng mga driver.

Maliban dito, bahagi ito ng Driving Enhancement Program ng LTO na naglalaman ng komprehensibong pagbabalik-aral sa kaalaman at kasanayan ng bawat driver sa traffic laws and regulations. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments