𝗡𝗔𝗔𝗔𝗚𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔.𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬

Nagulantang si Orlando Dalisay matapos madiskubre ang bangkay ng nakatatandang kapatid nito sa sarili nitong bahay sa Brgy. Matic-matic, Sta. Barbara.

Sa kanyang salaysay, habang tumatambay sa harap ng bahay ay nakaamoy ito ng tila naaagnas na bagay galing sa bahay ng kapatid. Nang kanya itong tignan, kanyang nakita ang walang buhay at naagnas na katawan ng kanyang kapatid na si Hermano Dalisay, 58 anyos.

Aminado si Dalisay na dumaranas sa heart disease ang kanyang kapatid na maaaring ikinamatay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments