𝗡𝗔𝗔𝗔𝗚𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗘, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Isang naagnas na bangkay ang natagpuan ng isang lalaki sa Ambayaoan River, Brgy. Sobol, sa bayan ng San Nicolas.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang naghahanap ng gagamba ang tatlong residente ng Brgy. San Roque sa kailugan ng nasabing lugar ay may nakita itong nakalutang na katawan.

Nasa 5’4 ang tangkad ng lalaki, tinatayang nasa limampu hanggang animnapu ang edad nito, nakasuot ng sky blue na long sleeve sa pagtaas at maong pants naman na dilaw na sinturon. Mayroon ding nakaukit ng ‘Guardians Brotherhood’ tattoo sa kanang balikat at may pangalang ‘Eddie’.

Ayon sa resulta ng post mortem examination, pagkakalunod ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng lalaki. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments