𝗡𝗔𝗚𝗟𝗜𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗨𝗜𝗟𝗟𝗔𝗡, 𝗣𝗘𝗥𝗪𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

CAUAYAN CITY – Perwisyo sa mga kabahayan malapit sa isang poultry farm sa Brgy. Minallo, Naguillan, Isabela dahil sa mga naglipanang langaw.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay alyas “Angel”, residente ng lugar, hindi na sila makakain ng maayos dahil sa maaaring sakit na idulot ng langaw kapag ito ay dadapo sa kanilang pagkain.

Umabot pa sila sa situwasyong nagkukulambo habang kumakain para lang hindi madapuan ng langaw ang kanilang pagkain.

Dagdag pa ni “Angel”, nagbigay ng powder disinfectant ang may-ari ng poultry farm pero wala ring epekto.

Ayon pa sa kanya, noong isang buwan pa umano nila nararanasan ito.

Ayon naman kay Brgy. Captain Filomena Pascual, ipapatawag niya ang may-ari ng poultry farm sa kanilang isasagawang assembly meeting upang maaksyunan na ang hinaing ng kanyang mga nasasakupan.

Aniya, naranasan na rin niya ang mabaho at makapal na kumpol ng langaw na dulot rin ng poultry farm.

Nanawagan naman si alyas “Angel” sa may-ari ng poultry farm na mag disinfect sila ng maayos at ayusin ang proseso ng kanilang harvesting upang hindi sila makapaminsala.

————————-
Para sa iba pang mga balita, bisitahin din ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments